DRUG CASE | Senator De Lima, mananatili pa rin sa kulungan

171

Manila, Philippines – Mananatili sa kulungan si Senador Leila de Lima.

Ito ay makaraang kilalanin ng Korte Suprema ang hurisdiksyon ng Muntinlupa Regional Trial Court sa drug case na isinampa ng Department of Justice laban sa senadora.

Sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc kaninang umaga, nagpasya ang mga mahistrado na ibasura ang motion for reconsideration ni De Lima.

Una nang iginiit ni De Lima na iligal ang pagpapaaresto sa kanya ng mababang hukuman dahil inilabas ito nang hindi pa naman nadedesisyunan ang inihain niyang motion to quash na kumukuwestiyon sa hurisdiksyon ng lower court sa kanyang kaso.

Iginiit din ni De Lima na ang dapat na nagsagawa ng preliminary investigation sa kanyang kaso ay ang Ombudsman, at kung sakali, ang kaso ay dapat na iniakyat sa Sandiganbayan dahil siya ay mataas na opisyal sa gobyerno.

Pero nanindigan ang Korte Suprema sa nauna nitong desisyon noong October 2017 na ang mga regional trial court ang may hurisdiksyon sa nasabing kaso.

Facebook Comments