GO SA SENADO | MILF Leader Ghazali Jaafar, susuportahan ang posibleng pagtakbo ni SAP Bong Go sa Senado

36

Manila, Philippines – Nagpaabot ng suporta ang Moro Islamic Liberation Front o MILF leader na si Ghazali Jaafar na tumatayong Vice Chairman ng MILF Central Committee at Chairman ng Bangsamoro Transition Commission kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go sakaling tumakbo ito sa pagkasenador sa susunod na taon.

Isang pahayag na inilabas ng Malacanang ay sinabi ni Jaafar na si Go ay may integridad at competent na tao, ipinapakita din aniya nito ang kanyang leadership sa pamamagitan ng pagbuo ng mas magandang relasyon ng mga Pilipino at mga Bangsamoro sa Davao.

Naiintindihan aniya nito ang problema ng Bangsamoro people at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao at alam aniya nito na dapat mapaganda ang socio economic situation sa bansa.

Dahil aniya dito ay naniniwala sila na malaki ang magiging kontribusyon ni Go sa tagumpay ng Bangsamoro Government at pagkakaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa buong Mindanao.

Facebook Comments