Drug charges laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Customs, ibinasura na ng DOJ

Manila, Philippines – Ibinasura na ng Department of Justice (DOJ) ang drug chargers laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Customs na nadawit sa 6.4 billion peso drug smuggling noong Mayo.

Ito ay matapos mabigo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makapagsumite ng karagdagan pang ebidensya na magdidiin sa mga akusado.

Base sa resolusyon ng DOJ, insufficient to probable cause ang mga ebisensya na una nang inihain ng PDEA, ibig sabihin hindi sapat ang mga iprinisintang ebidensya upang suportahan ang alegasyon sa mga akusado.


Bukod kay Faeldon, dismissed na rin ang kaso nila:

Director Milo Maestrecampo;
Director Neil Estrella;
Intelligence Officer Joel Pinawin;
Intelligence Officer Oliver Valiente;
Atty. Jeleena Magsuci;
Atty. Philip Maronilla;
Alexandra Y. Ventura;
Randolph O. Cabansag;
Dennis J. Maniego;
Dennis Cabildo;
at John Edillor.

Facebook Comments