Drug Clearing Operations ng Cagayan Police, Bumaba ng 55%

Cauayan City, Isabela-Nananatili nalang sa 45% ang clearing operation kontra sa iligal na droga na ginagawa ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO).

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng pulisya simula Enero hanggang Setyembre 2020.

Ayon kay PCol. Ariel Quilang, Provincial Director ng CPPO, pumalo na sa 207 ang naarestong katao na sangkot sa iligal na droga kung saan karamihan dito ay nasa listahan ng matagal ng pagkakasangot sa iligal na aktibidad habang 20 sa bilang ang kusang sumuko sa kanila.


Halos 55% ang ibinaba ng index crime ngayong taon o katumbas ng 163 na kaso kung ikukumpara taong 2019 na mayroong 360, ito ang mga kaso na kinabibilangan ng rape, homicide, murder, physical injury at iba pa.

Tumaas naman ang bilang ng non-index crime o special laws na umabot sa 1,454 gaya ng illegal gambling na naaresto ang 829 na katao; 308 katao sa illegal logging kung saan mahigit 142,00 bd.ft na kahoy ang nakumpiska at naipasakamay na sa DENR.

Naitala rin ang 188 katao na lumabag sa loose firearms; 105 katao sa illegal fishing; 8 katao para sa motornapping/carnapping at 1,044 ang bilang ng mga boluntaryong nagpasakamay ng iligal na paggamit ng chainsaw habang ang ilan dito ay nahuling gumagamit ng walang kaukulang permit.

Samantala, umabot sa 845 ang mga nahuling wanted person na kinabibilangan ng 6 listed mula regional level; 63 provincial level; 314 municipal level at 465 yung mga ‘uncategorized’ o wala pa sa mga listahan ng kapulisan.

Facebook Comments