Ilang PBA players na nagbakasyon sa abroad, isa-isa nang bumabalik ng Pilipinas para paghandaan ang pagpapatuloy ng Philippine Cup sa Clark Bubble

51

Isa-isa nang nagbabalikan sa Pilipinas ang ilang mga PBA player na nagbakasyon o nanatili muna sa abroad habang nasa ilalim ng quarantine ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ilan sa kanila ay sina NLEX Player Anthony Semerad na nanggaling ng Australia, Blackwater Rookie Maurice Shaw at San Miguel Guard Chriss Ross mula sa Amerika.

Maging ang star player ng Rain or Shine na si James Yap ay nasa bansa na rin makaraang magbakasyon kasama ang pamilya sa Italy.

Bawat isa sa kanila ay sumalang sa swab test pagkabalik ng bansa kung saan bago rin mag-start ang Bubble Type League ng PBA Philippine Cup ay sasailalim muli sila sa nasabing pagsusuri.

Ang iba naman Fil-Foreign players na nasa ibang bansa at mga nagre-rekober sa injury ay mayroon hanggang October 10, 2020 para payagan silang makalaro sa loob ng Clark Bubble.

Facebook Comments