Drug den sa Valenzuela, sinalakay – labing isang lalaki, arestado

*Valenzuela – *Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang bahay na umano’y ginagawang drug den.

Aabot naman sa labing isang lalaki ang naaresto ng PDEA sa isinagawang raid.

Ayon kay NCR PDEA Chief Wilkins Villanueva, ginagawang “batakan” ng mga drug dependent sa lugar ang dalawang bahay.
Nakarebor din ng mga otoridad ng sandamakmak na drug paraphernalia.


Nakatakdang dalhin ang mga nahuling suspek sa headquarters ng PDEA sa Quezon City.

Facebook Comments