Drug Den sinalakay ng mga otoridad 5 katao arestado

Arestado ang lima katao, sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA ARMM, Cotabato City Police Station 2, at Sultan Kudarat PNP sa isang hinihinalaang drug den sa Little Talitay, sa Barangay Rosary Heights 7, sa Cotabato City.
Bagaman , nakatakas ang target ng operasyon na kinilalang si Datu Ronnie Rajamuda, alyas Ronie naaresto naman ang may bahay nito na kinilalang si Airen Talusan Rajamuda at mga kasama nitong sina Mohamad Menak Rajamuda, Jomar Aman Rajamuda, Bailinang Menap Rajamuda at Nasser Maticayan Cader.
Nakumpiska mula sa mga ito ang 3 sachets ng shabu, 100 pesos na marked money, at dawalang caliber 45 pistol, at mga bala nito.
Kasalukuyang himas rehas na sa selda ng PDEA ARMM ang mga naarestong drug suspect habang inihahanda ang mga kasong kinabibilangan ng violation of section 5 (Sale of Dangerous Drugs) section 11 (Possession of Dangerous Drugs) section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) of Republic Act 9165 o mas kilala “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, at Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms) .(DENNIS ARCON)

Facebook Comments