Planong pag-atake ng North Korea sa Guam – pansamantalang ipinagpaliban

World – Inilatag na kay North Korean Leader Kim Jong-Un ang planong pag-atake sa Guam.

Isinagawa ang presentasyon nang mag-inspeksyon ang North Korean Leader sa command ng strategic force ng NoKor.

Pero, ayon kay Kim babantayan muna nila ang aksyon ng Estados Unidos at pahayag ni President Donald Trump bago magdesisyon kung kailan isasagawa ang pagpapakawala ng apat na intermediate-range ballistic missile sa Guam.


Inatasan din ni Kim ang militar na maging “fire-ready” sakaling magpasya siya na ituloy ang pag-atake.

Facebook Comments