Drug Identified ng Cordon, Isabela Umabot sa 267!

Cordon, Isabela, Umabot sa dalawang daan animnaput pitong drug identified ang bayan ng Cordon simula sa buwan ng Pebrero hanggang sa kasalukuyang buwan.

Ayon kay Deputy Chief of Police Virgilio Valliangca ng Cordon, nasa kabuuang isang daan at labing pitong DI ang kasalukuyang nasa training o nasa Community Base Rehabilitation Program kung saan ay maaring matapos ito hanggang buwan ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Sinabi pa ni Valliangca na karamihan umano sa kanilang drug identified ay nasa kategorya ng moderate o mga indibidwal na hindi naman gaanong gumamit ng ipinagbabawal na gamot.


At ang ilan umano na hindi nakabilang CBRP na DI ay hindi mahanap sa bayan o maaring nasa ibang lugar na ang mga ito.

Samantala may apat nang barangay sa Cordon ang maaring drug free ngunit kailangan pa umano ito ng masusing ebalwasyon ng PDEA bago maideklarang drug free barangay.

Facebook Comments