Drug pusher, patay matapos manlaban sa mga pulis at masabugan ng granada sa Caloocan City

424

Manila, Philippines – Dead on the spot ang notoryus na drug pusher na si freddie aguirre alyas pido, matapos na manlaban sa ikinasang drug operation ng mga otoridad sa Phase 8B, Package 13, Block 4, Lot 18, Brgy 176 Bagong Silang, Calocan City.

Sa inisyal na ulat ni PCP3 Commander Major Ronald Cayago, nag-ugat ang operasyon sa kanilang natanggap na impormasyon kaugnay sa iligal na operasyon ni Aguirre sa lugar.

Papasok pa lamang daw sa bahay ng suspek ang mga otoridad nang makita nilang may hawak itong Granada at akmang ihahagis sa tropa.


Dito na inunahan ng putok ng mga otoridad si Aguirre na nag-resulta sa kanyang pagkasawi.

Matindi umano ang pinsalang tinamo ng nturang suspek, matapos sumabog sa mismong kamay nito ang hawak na granada.

Narekober sa crime scene ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.



Kabilang si Aguirre sa mga nasa drug watch list ng pulisya.

Facebook Comments