Unang isang taong anibersaryo ni Pangulong Duterte sa Malakanyang, gugunitain ngayong araw

193

Manila, Philippines – Ipinagdiriwang ngayong araw (June 30) ang unang anibersaryo ng pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.

Ayon kay Presidential Communications Assistant Sec. Ana Marie Banaag – gusto ng pangulo na sa Marawi City gunitain ang kanyang unang taon.

Aniya, ang mga resindenteng apektado ng bakbakan ang nais na makasama ng pangulo ngayong patuloy pa rin ang gulo sa Marawi City.


Sa ngayon, hindi pa tiyak kung matutuloy ito dahil nakadepende pa rin sa rekomendasyon ng kanyang mga security officials.

Tumanggi namang ang pangulo na bigyan ang grado ang kanyang sarili at ipinauubaya na sa taumbayan ang maghusga sa kanyang naging performance.

Facebook Comments