Drug pusher, patay sa engkwentro sa Caloocan City

Manila, Philippines – Patay ang isang notorious na drug pusher matapos manlaban sa mga pulis na sana’y huhuli sa kanya sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Jasper Palasyo na matunog ang pangalan dahil sa pag bebenta ng shabu.
Ayon kay Chief Inspector Ronald Cayago ng PCP 3, nakatanggap sila ng tawag na may mga nagbebentahan ng shabu sa tapat mismo ng bahay ng suspek.

Nang respondehan, inabutan si Palasyo habang may ka-transaksyon na apat na iba pa.


Nakatakbo ang mga parokyano pero na-corner ang target sa operation at napatay ng mga owtoridad.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang 9mm, 5 pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments