Drug pusher, patay sa Maynila

143

Manila, Philippines – Patay ang isang hinihinalang drugpusher matapos  manlaban sa buy-bust operationsa Baseco Compound, Port Area, Manila kagabi.
Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial MedicalCenter si Nicolas Bornia alyas “Alas” dahil sa mga tinamong tama ngbala sa katawan.
Ayon kay PO3 Roderick Magpale ng Manila Police District Homicide Section, magaalas onse kagabi nang ikasa ng mga operatiba ng MPD Station 5 Drug Enforcement Team ang operasyon sa may Block 9 Old Site.
Nakabili  ng 300 pisong halaga ng shabu ang poseur buyer kay Bornia, at nang aarestuhin na aybigla itong bumunot ng baril at nagpaputok.
Gumanti naman ang mga pulis na nagresulta sa pagkakasugat ng suspek.
Narekober sa crime scene ang isang kalibre 38 baril, apatna plastic sachet ng hinihinalang shabu at 300 pisong buy-bust money.
Kabilang umano sa drugs watchlist ng itasyon ang napatay na lalaki.

Facebook Comments