Isa patay, apat sugatan sa karambola ng sasakyan sa Maynila

128

Manila, Philippines – Isa ang patay habang 4 ang sugatansa karambola ng mga sasakyan sa Tondo, Maynila kagabi.
  Kinilala ang nasawing si Roy Gomez, 29-taong gulangmatapos magtamo ng malalang pinsala sa ulo.
  Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District TrafficEnforcement Unit, magaalas-9 kagabi nang magkarambola ang isang SUV at dalawangtricycle sa kanto ng Solis St at Abad Santos Avenue Brgy. 203.
  Kwento ng driver ng SUV na si Leon Suanco, 75-anyosnawalan umano siya ng preno kaya bumangga sa tricycle na nakahinto saintersection.
  Umatras pa umano siya para tingnan ang sira ng kanyangsasakyan ngunit nasapul naman nito ang nakabuntot na tricycle.
  Dinala sa magkakahiwalay na ospital ang mga biktima napawang mga sakay ng tricycle.
  Ayon sa kapitan ng barangay na si Robin Giliberte,mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaan ng mga tricycle sa abad santos avenueitinuturing itong main road.
  Nakakulong na ang driver ng SUV na nahaharap sa kasongpaglabag sa reckless imprudence resulting to homicide, multiple physiclainjuries at damage to properties.

Facebook Comments