Manila, Philippines – Patay ang 40 anyos na drug surrenderee na si Edwin Eduardo matapos pagbabarilin sa tapat ng eskwelahan sa Sta. Ana, Maynila.
Sa ulat ng Homicide section ng Manila Police District, tinadtad ng bala sa ulo at katawan si Eduardo na miyembro ng Bahala na Gang, na noo’y kumakain lamang sa cafeteria, tapat ng Villamor High School sa Pasig line street.
Ayon sa mga saksi, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang umatake sa biktima na agad ding tumakas patungo sa Augusto Francisco Street.
Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa kalibre 45 na baril.
Ayon sa kinakasama ng biktimang si Mary Grace Degala, dati nang sumuko sa Oplang Tokhang ang biktima bilang drug user.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558