LTFRB, magsasagawa ng pagdinig kaugnay ng accreditation ng mga transport network vehicle services

Manila, Philippines – Magsasagawa ng pagdinig sa susunod na linggo ang LTFRB para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, natanggap na rin aniya nila ang request ng grab na mag-renew ng kanilang accreditation na napaso nitong nakarang linggo.

Pero kailangan pa aniyang pag-usapan ang mga naiulat na kaso ng mga kolorum na aktibidad ng ilang uber, grab, at uberhop.


Sinabi naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na wala siyang order na manghuli dahil nag-expire na ang accreditation.

Facebook Comments