Umabot na sa 20,000 na katao na gumagamit at tulak ng iligal na droga ang sumuka sa otoridad sa buong Pangasinan.
Batay sa datos ng PNP Pangasinan nasa kabuuang 20, 467 ang bilang ng drug surrenderrees sa lalawigan.
Ayon kay Lt. Alma Cruz, PIO ng Panagsinan PPO , ang ikalimang distrito ang naitalang may pinakamaraming bilang ng surrenders na kinabibilangan ng Urdaneta City, Alcala, Bautista, Binalonan, Laoac, Pozzorubio, Santo Tomas, Villasis at Sison.
Samantala, nagpapatuloy din ang ginagawang pagtulong ng lokal na pamahalaan sa mga drug surrenderrers sa ilalim ng Integrated Reformation Program upang makapagsimula muli ang mga ito.
Kaugnay nito, hindi rin tumitigil ang ahensya sa pagbibigay ng mga lecture sa mga estudyante ukol sa maaaring epekto ng iligal na droga sa mga ito.
Drug Surrenderers sa Pangasinan umabot na sa 20k
Facebook Comments