Drug surrenderre patay sa pamamaril sa bayan ng Parang Maguindanao

Isang lalaking sangkot sa iligal na droga ang agad namatay ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect alas nuebe ng umaga kahapon sa Purok Rambutan, Brgy. Poblacion Uno, sa bayan ng Parang, Maguindanao. Kinilala ang biktima na si James Andal Maguate na may alyas na milok at jimboy, 32 anyos na residente ng nabanggit na lugar. Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima mula sa cal. 45 pistol habang ito ay nasa labas ng Parang Central Elementary School. Nabatid na isang drug surrenderre ang biktima, bumalik ito sa dating gawain. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments