Drug suspect, arestado sa Pasay

105

Manila, Philippines – Matapos sitahin dahil walang pang itaas , nakuwelyuhan ang isang drug suspect at nakuhanan ng hinihinalang iligal na droga sa Pasay City.

Kinilala ni PO2 Isidro Constantino, Jr. ang suspek na si Diorico Ubaldo,44 taong gulang, walang trabaho, at nakatira sa Manggahan, Brgy. Merville ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa sila ng anti-criminality campaign sa Daop Palad, Brgy. 201 nang makita nila si Ubaldo na walang damit o upper
garment kaya’t sinita nila ito.


Subalit nagulat na lang ang mga pulis dahil nang kanilang kapkapan ang suspek ay nakuha mula rito ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Si Ubaldo ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangeorous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments