Construction worker, patay matapos saksakin

240

Manila, Philippines – Patay ang isang construction worker matapos saksakin ng kasamahan sa trabaho sa isang construction site sa Yakal St. Brgy. San Antonio Makati City mag-aala una ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Kevin Lampitoc, 23 taong gulang, at residente ng San Jose del Monte Bulacan.
Kwento ng saksing si Teddy Rebong, nakainom si Lampitoc nang marinig niyang kausap ang suspek.

Nagtatalo ang dalawa nang dahil sa plato na pagmamay-ari ng suspek at ginamit ni Lampitoc nang walang paalam.


Tinanong lamang ng suspek kay Lampitoc kung kanino nanggaling ang plato pero sumagot ang biktima na galing sa nakaw ito.

Nauwi sa pananaksak ang pagtatalo at agad na umalis sa lugar ang suspek.

Nagtamo ang biktima ng saksak sa tiyan na agad niyang ikinamatay.



Hindi narekober ng SOCO ang ginamit ng suspek na patalim pero nakuha ang plato malapit sa mga bote ng alak.

Bagaman tukoy na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek ay nagsasagawa pa sila ng follow up operation para mahuli ito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

Facebook Comments