Drug Suspect arestado sa Pikit North Cotabato

37

Arestado sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 at Pikit Municipal Police Station ang isang target-listed personality pasado alas singko kaninang umaga sa bahagi ng Manuel L. Quezon Avenue, Brgy. Poblacion, Pikit, North Cotabato.
Kinilala ang nahuling drug suspect na si JOLAND DELA CERNA y DIMAANO Alias JEK-JEK, 28, butcher, residente ng Colony St., Brgy. Poblacion, Pikit, Cotabato
Naaresto ito matapos makipag-ugnayan sa nagpanggap na buyer na PDEA Agent.
Bukod sa nakumpiskang shabu na nagkakahalagang 500 pesos nakuha rin sa pag iingat ng drug suspect ang (6) sachets ng suspected shabu na nagtitimbang ng more or less 0.5 gram at may estimated value ng Php 3,400.00.
Matagal ng minamatyagan ang galaw ng suspek at kanina lamang naaktuhan sa kanyang trabaho.
Kasalukuyang inihahanda na ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments