Drug suspect, patay matapos mang-agaw ng baril sa isang buy bust sa QC

79

Patay ang isang drug suspect matapos na manlaban sa mga otoridad sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 10, nagsasagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Anti-Drug Unit laban sa suspek pero nakatunog ito na pulis ang kaniyang katransaksyon.


Tinangka ng suspek na mang-agaw ng baril kung kaya’t napilitan ang mga otoridad na barilin ito.

Naisugod pa ito sa ospital ang suspek pero idineklara ring dead on arrival.

Nabatid na nasa drug watchlist ng Police Station 10 ang hindi pinangalanang drug suspek.

Facebook Comments