Manugang, Patay matapos Barilin ng Biyenan

40

Cauayan City, Isabela- Dead on the spot ang isang 36-anyos na lalaki matapos barilin ng kanyang nakaalitan sa mismong harap ng bahay ng suspek bandang 5:20 ngayong hapon sa Brgy. Rizaluna, Cordon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Dominador Tabangin habang ang suspek na mismong biyenan ng biktima ay nakilalang si Manolito Retotal, 65-anyos na kapwa residente sa nasabing lugar.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Cordon Police Station, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa at ilang sandal pa ng barilin ng suspek ang biktima.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong (3) basyo ng bala ng kalibre 38 at baril na ginamit sa pamamaril.

Agad na nadakip si Retotal sa follow-up operation ng awtoridad na nasa kustodiya ngayon ng nasabing himpilan ng pulisya.

Facebook Comments