Drug Suspect patay matapos manlaban sa mga otoridad

Patay ang isang suspected drug personality matapos di umanoy manlaban sa mga otoridad sa bahagi ng Bonifacio Street pasado alas 3 ngayong hapon.

Kinilala ni Station # 4 Commander CINS Tirso Pascual ang nasawing suspect na si Yasser Masabpi, nasa tamang edad at residente ng Mother Brgy Bagua.

Sinasabing nagsagawa ng buybust operation ang mga pinagsanib na pwersa ang mga otoridad, matapos magkaabutan ng illegal na droga ay dun na nagkahabulan at nagawang paputukan ang suspek.


Maliban sa mga sachet ng suspected shabu, isang Granada pa ang nakumpiska sa nasawing suspek.

Kakalabas lamang din ng suspek sa City Jail dahil pa rin sa kasong paglabag sa RA 9165.(MUBARAK LAUBAN)

Facebook Comments