Community Support Program ng 86th Infantry Battalion, Ikinasa sa Bayan ng San Guillermo, Isabela!

*San Guillermo, Isabela- *Nagsagawa ng pagsusuri at pagbisita ngayong araw ang 86th Infantry Battalion sa pamamagitan ng kanilang Community Support Program sa apat na barangay sa bayan ng San Guillermo, Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Lt. Col. Remegio Dulatre, ang Commanding Officer ng 86th Infantry Battalion na kanilang nakatuwang si City Mayor Marilou Sanchez kasama ang mga Community Support program Operators sa pagsasagawa ng kanilang aktibidad.

Layunin umano ng kanilang programa na masuri at malaman ang mga problemang kinakaharap ng kanilang pupuntahang barangay at malaman na rin kung mayroong nagaganap na karahasan sa kanilang lugar na kinasasangkutan ng mga makakaliwang grupo o NPA upang mabigyan ng seguridad ang mga apektadong mamamayan.


Isa rin umano sa kanilang tutukang suliranin na dapat maresolba sa naturang bayan ay ang isyu sa lupa para sa mga magsasaka sa pamamagitan na rin ng tulong ng LGU at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Lt. Col. Dulatre, legal umano ang kanilang pagpasok at pagsasagawa sa naturang aktibidad dahil nagkaroon na umano sila ng koordinasyon sa pamahalaang local ng naturang bayan.

Facebook Comments