Drug suspect patay, matapos pagbabarilin

134

Manila, Philippines – Patay ang 33 anyos na drug suspect na si Sabas Paulmitan Jr. matapos pagbabarilin ng ng mga lalaking sakay ng motorsiklo sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay SPO1 Bernardo Cayabyab ng Homicide Section ng Manila Police District , si Paulmitan Jr na miyembro ng Bahala Na Gang ay naglalakad sa kahabaan ng Luzon Avenue nang dumaan ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin at pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang riding-in-tandem sa hindi matukoy na direksiyon habang duguang bumulagta si Paulmitan.


Tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 na baril ang natagpuan ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon kay Mary Ann Roxas, pinsan ni Paulmitan, naisugod pa nila ang biktima sa Ospital ng Sampaloc pero idineklara itong dead on arrival ng isang Dr. Grace Dioso.

Inamin naman ng kapatid ng biktima na si Katherine Paulmitan na minsan nang naaresto at nakulong sa Manila City Jail ang kanyang kapatid dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.



Facebook Comments