Drug suspect, binaril sa lungsod ng Maynila

250

Manila, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa Sta. Ana Hospital ang 39 anyos na si Gilbert Salmoren matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sta. Ana, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, naniningil ng pautang ang biktima sa J. Posadas Street, Cardinal Sin Village sa Punta, Sta. Ana nang lapitan ng suspek at pinaputukan sa ulo.

At nang bumulagta ang biktima, kinuha pa ang pag-aari niyang motorsiklo na Yamaha Mio Sporty at mabilis na tumakas ang gunman na inilarawang nakasumbrero at may backpack.


Posibleng may kinalaman sa negosyong “5-6” ang motibos sa pagpatay, dahil ayon sa asawa ng biktima na si Ruby Ann Salmoren, may mga nakakaalitan itong tao lalo pa’t ilan sa mga nangungutang dito ay hindi nakakabayad ng ilang buwan.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang pamamaslang habang inaalam kung may mga CCTV camera sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

Facebook Comments