Drug suspect, patay sa engkwentro Las Piñas

Manila, Philippines – Patay ang drug suspek na si alyas “Louie” na kilalang isnatser at tulak ng iligal na droga sa lugar makaraang manlaban sa mga otoridad sa Las PiƱas City.

Nagpapatrulya ang tatlong pulis sa Villa Coastal Lopez, Brgy. Daniel Fajardo nang mamataan ang isang grupo ng kalalakihan na kahina-hinala ang kilos.

Nang sitahin ng mga otoridad, isa sa kanila na may dalang sling bag ay bumunot ng baril at tinangkang paputukan ang mga ito.


Dahil dito, napilitang kumasa ang mga alagad ng batas at pinagbabaril ang mga suspek na ikinasawi ng isa habang nakatakas naman ang dalawang iba pa.

Narekober sa lugar ang isang sling bag, isang kalibre .38 na baril na may tatlong bala at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments