Drug suspek nanlaban, patay sa drug raid sa Agusan del Sur

126

Patay ang isa sa dalawang suspek sa drug raid operation ng PNP kamalailan lang sa Barangay Poblacion, Trento, Agusan del Sur.

Kinilala ang napatay na suspek na si Earl Adrian Tellain, alias ‘Bin Laden,’ habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Edmar Bandera, alias ‘Palos’

Ayon kay PSI. Nelven Tuan Rufon, Hepe ng Trento Municipal Police Station, nanlaban umano si Bin Laden habang isinisilbi ang search warrant sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Poblacion at narekober sa posisyon nito ang caliber 45 pistol, isang 38 revolver at 1.58 grams na shabu.


Sinasabing kahit pa nakatakas sa drug operation si alias Palos sasampahan pa rin ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Facebook Comments