Second Quarter Simultaneous Earthquake drill matagumpay na naisagawa sa Zamboanga Del Sur

247

Pagadian City, Zamboanga del Sur—Matagumpay na naisagawa ang 2017 Second Quarter Simultaneous Earthquake Drill sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Francisco Maca, bukod sa mga estudyante at empleyado ng iba’t ibang pam-publiko at pribadong establisimento sa lungsod ng pagadian, nagpakitang gilas din anya ang mga personahe ng Bureau of Fire Protection ng kahandaan sakaling may sakunang dala ng malakas na lindol. Habang sa Provincial Capitol, nakiisa rin ang mga empleyado ng NDRRMC sa pag-duck, cover and hold kung saan ang pagsasanay ay tumagal ng halo isang oras.
Sinabi ni Maca na may malaking development siyang nakita sa pagrespondi ng mga empleyado sa nasabing drill at umaasa siyang magagamit ang lahat na kanilang ginawa sa paghahanda sakaling may sakunang darating. (DXPR NEWS RESPONDS TEAM)

Facebook Comments