DRUG TEST | Mandatory drug testing sa mga estudyante, ipapatupad na

Manila, Philippines – Ipapatupad na sa academic year 2019 to 2020 ng Commission on Higher Education (CHED) ang mandatory random drug testing sa mga estudyante sa lahat ng kolehiyo, universities at higher education institution.

Ayon kay CHED chairman Prospero De Vera, inaayos na nila ang mga preparasyon para rito.

Base sa guidelines ng Memorandum Order 18 ng CHED, kailangang konsultahin muna ang magulang ng bawat estudyante.


Kailangan ring sumang-ayon ang board of regents and student governing boards.

Dapat ring ipresenta ng eskwelahan ang polisiya para sa mandatory random drug testing sa mga estudyante at tanging DOH-accredited facilities, physicians at private medical practitioners lang ang pwedeng ang magsagawa nito.

Kasabay nito, tiniyak ni De Vera ang confidentiality ng resulta at hindi ito maaaring gamitin laban sa mga estudyante.

Facebook Comments