Drug testing ng DepEd sa mga High School students, sisimulan na sa Setyembre

Manila, Philippines – Sisimulan na sa Setyembre ang drug testing sa mga High School students sa lahat ng mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa.

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na hindi mauuwi sa tokhang ang drug test.

Sabi ni DepEd Sec. Leonor Briones – gusto lang nilang malaman kung gaano katalamak ang problema ng droga sa ma estudyante para agad itong magawan ng solusyon.


Nagtalaga na rin ang DepEd ng komite na magsasagawa ng drug test na hindi iaanunsyo kung kailan at saan at hindi rin isasapubliko ang resulta.

Padadalhan naman ng sulat ang mga magulang tungkol dito at bahala na ang mga eskwelahan na magpaliwanag.

Kahit may mga magulang ang tumutol, tuloy pa rin ang drug testing.

Kapag nagpositibo sa droga, hindi agad na iki-kick-out ang estudyante sa halip ay aayudahan muna.

Pero kapag matindi na ang epekto ng droga, isasailalim sila sa rehabilitasyon.

Sa isang taon naman magsasagawa ng drug test sa mga private school.

Facebook Comments