Marawi clash, matatapos na sa loob ng ilang linggo ayon sa AFP Western Mindanao Command

Manila, Philippines – Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na matatapos na sa loob ng ilang linggo ang gulo sa Marawi City.

Ayon sa AFP Western Mindanao Command Lt. Gen. Carlito Galvez, lumiit na ang sentro ng bakbakan sa one square kilometer.

Pero hawak pa rin aniya ng Maute group ang ilang bihag sa ilang mosque sa lungsod.


Samantala, higit 1,200 na Improvised Explosive Device (IED) ang narekober at na-detonate ng militar mula sa gusali at bahay na pinagkutaan ng terorista sa Marawi City.

Facebook Comments