DRUG TRADE | Sen. De Lima, magtutungo sa Bilibid ngayong araw

Sa muling pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong illegal drug trade laban kay Senadora Leila De Lima na nakasampa sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206.

Muling sisipot ang senadora pero sa pagkakataong ito gaganapin ang hearing sa New Bilibid Prisons, Muntinlupa City.

Ito ay dahil nakatakdang ipresenta ng prosekusyon ang kanilang ikatlong testigo na si dating police officer Engelberto Durano na kasalukuyang nakapiit sa Bilibid.


Si Durano ay convicted sa kasong murder at frustrated murder.

Matatandaang hindi natuloy ang pagdinig noong nakaraang Martes dahil masama ang pakiramdam ni Judge Lorna Navarro Domingo.

Nahaharap si Senador Leila De Lima sa mga kaso na may kinalaman sa pagkakasangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) noong ito pa ang kalihim ng DOJ.

Facebook Comments