SANG-AYON | DBM, pabor sa madaling proseso ng pag-aangkat ng produktong pang-agrikultura

Manila, Philippines – Sang-ayon si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa mas maluwag na polisiya pagdating sa pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura.

Sinabi ito ng kalihim kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinauukulang ahensya na alisin ang non-tariff barriers sa pag-aangkat ng bigas at iba pang mga produkto.

Layon din ng Administrative Order 13 na padaliin ang proseso sa pag-a-apply sa importation ng mga naturang mga produkto.


Paliwanag pa ng kalihim, makatutulong itong mapababa ang presyo ng pagkain.

Aniya, dapat ding i-prayoridad ang kapakanan ng bawat mamimili.

Facebook Comments