Naniniwala ang Palasyo na dapat mapabilang sa mga ikinu- konsiderang heinous crimes ang drug trafficking.
Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng pagapruba ng Senado kahapon sa pagkakaroon ng hiwalay na pasilidad para sa mga convict na nakagawa ng karumal- dumal na krimen.
Ayon kay Secretary Panelo, ito kasi ang pinakamasama sa lahat dahil ito ang sumisira sa pamilya.
Sinabi ng kalihim na mayroon pa namang bicam at posible pang maisama ang mga drug related crimes dito.
Matatandaan na noong Lunes, sa botong 21-0, ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ang naturang panukalang. Sakop nito ang mga preso na nakakulong dahil sa treason, qualified bribery, qualified piracy, parricide, murder, infanticide, kidnapping at serious illegal detention, robbery with violence against or intimidation of persons, arson at rape.