Drug war data, isusumite lang ng PNP sa Executive Department at higher authorities

Iginiit ng Philippine National Police na hindi nila kailangang magbigay ng mga datos patungkol sa drug war ng gobyerno sa kung anumang grupo o indibidwal.

Reaksyon ito ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde matapos ang pagkakapasa ng resolusyon ng UN Human Rights Council na nagsusulong ng imbestigasyon sa mga pagpatay sa Drug war ng gobyerno.

Aniya tanging sa Executive Department at iba pang higher authorities lamang nila isusumite ang mga rekord nila patungkol sa kanilang mga drug operation.


Aniya mayroong Supreme Court at sariling batas ang bansa na sapat sundin ang desisyon.

Sinabi pa ni Albayalde na ang mga desisyon sa mga isyung ito ay dapat na ginagawa ng buong estado at hindi ng Philippine National lamang.

Facebook Comments