Ito ang sinabi ni Shiela Marie Apostol ng DWSD RJJWC sa punong balitaan kasabay ng 11th Juvenile Justice and Welfare Awareness Week na may temang “Pagbabago ay panigurado kung tututukan natin ang Juvenile Justice Law”.
Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, problema umano sa pamilya at impluwensiya ng kapaligiran ang nakikitang dahilan kung bakit nasasangkot ang mga kabataan sa ganitong mga kaso at iba pang iligal na gawain.
Sinabi naman Atty. Maria Liza Guzman, Prosecution Attorney na may pagtaas din talaga sa mga kaso ng mga kabataan na nakabinbin ngayon sa opisina ng piskalya.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan ang Department of Justice (DOJ) sa mga concerned agencies sa paglaganap ng kaalaman kaugnay sa batas na RA 7344 na inamyemdahan ng RA 10630 o ang Juvenile Justice and Welfare Act kung saan nagsasagawa ang Regional Prosecution Office ng DOJ ng pagbisita, lectures, information dissemination para sa tamang implementasyon ng batas sa iba’t ibang mga Local Government Units.
Hinihikayat din ng DWSD RJJWC ang lahat ng mga LGU na magpatayo ng Bahay Pag-asa kung saan maaaring isailalim muna sa rehabilitasyon ang kabataang nasasangkot sa iligal na gawain bago makabalik muli sa komunidad.
Sa kasalukuyan, mayroong 16 na CICL sa Bahay Pag-asa sa Cauayan; 11 sa Santiago at 25 naman sa Cagayan Valley-Regional Rehabilitation Center for Youth (CV-RRCY).