Dry run convoy ng ASEAN Summit kahapon, naapektuhan ng nadiskubreng sinkhole sa EDSA Connecticut

Manila, Philippines – Dalawa lamang mula sa 20 ASEAN convoy ang nakakumpleto ng rehearsal mula sa Clark International Airport patungo sa mga hotel kung saan mananatili ang ASEAN delegates

Ayon kay Bong Nebrija, supervising operations officer ng MMDA, kinailangang i-abort ang dry run convoy dahil sa napaka bigat na daloy ng trapiko bunsod ng road rebloacking sa EDSA Connecticut dahil sa nadiskubreng sink hole doon nuong Huwebes.

Mula kasi sa 5 na lanes naging 2 lamang ito dahil sa road repairs na naging dahilan naman ng pagbabagal ng daloy ng mga sasakyan.


Pero magkagayunman itinuturing paring tagumpay ng MMDA ang nasabing dry run.

Lahat kasi ng 20 convoys ay nakapag rehearse mula Clark Intl. Airport hanggang NLEX.

Kasunod nito tuloy tuloy parin ang pag eensayo ng MMDA.

Mayroon pang 3 linggo ang MMDA bago sumapit ang ASEAN Summit na idaraos sa bansa sa susunod na buwan.

Samantala, naisaayos nang muli ang bahagi ng EDSA Connecticut na nakitaan ng sinkhole.

Facebook Comments