Simulan na ngayong araw ang dry run ng cashless toll collection sa mga toll plaza sa North Luzon Expressway (NLEX) kasunod pa rin ng planong gawin na 100% RFID lane.
Ayon sa NLEX Corporation, kasama sa dry-run ang mga toll plaza ng Balintawak, San Simon Southbound Exit, Porac at Floridablanca.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang cashless collection dry run sa mga toll plaza sa Ciudad de Victoria NorthBound, Ciudad de Victoria SouthBound, Sta. Rita NorthBound, Pulilan NorthBound, Pulilan SouthBound, San Simon NorthBound, Mexico,Dau SouthBound, Tabang at Angeles.
Sa Subic-Clark-Tarlac Expressway o (SCTEX) naman ay kasama rin ang Dolores at SFEX Toll Plaza.
Nagbigay-abiso naman ang pamunuan ng Payo NLEX sa mga motorista na siguruhing nakakuha na ng libreng RFID at lagyan ng load ang iyong mga account para sa tuloy-tuloy na biyahe.