DRY SEASON, POSIBLENGMAGSIMULA NA NGAYONG MARSO — PAGASA DAGUPAN

Sa kabila ng paunti-unting pag-ihip ng amihan, hindi mapagkakailang dama na ang alinsangan ng paligid kahit wala pang opisyal na deklarasyon sa pagsisimula ng tag-init.

Sa panayam kay PAGASA Dagupan Weather Observer Jun Soriano, nagsimula na ang daily monitoring ng heat index ngayong buwan ng Marso.

Hindi rin umano inaalis ang posibilidad na opisyal nang magsimula ang dry season sa mga susunod na linggo kasabay ng pagtaas pa ng naitatalang temperatura.

Samantala, payo naman ng awtoridad para sa kalusugan ng publiko ang pagiging hydrated sa pag-inom ng maraming tubig; pag-iwas sa matataong lugar; at pagsusuot ng mga komportableng damit.

Matatandaan na naitala ang pinakamataas na heat index sa Dagupan City ng ilang araw noong nakaraang taon, dahilan ng pagtitiyak ng PAGASA Dagupan sa patuloy na monitoring ng temperatura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments