Inaprubahan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) ang pagpapatupad ng mga proyektong pabahay, para sa mga OFWs.
Kasunod ito ng isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at OFW Partylist Representative Marissa Magsino, magbibigay daan para sa kolaborasyon sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang pagpirma ay ginawa isang araw bago ang paggunita ng Labor Day o araw ng paggawa.
Pinuri ni Acuzar ang malaking kontribusyon ng mga OFW bilang “mga bagong bayani” sa pangkalahatang pag-unlad ng bansa, kaya’t kasama sila bilang mga potensyal na benepisyaryo ng Pabahay Program ng gobyerno.
Tiniyak nito sa OFW Partylist, ang DHSUD bilang pangunahing ahensya ng gobyerno sa pamamahala ng pabahay, human settlements at urban development, ay patuloy na magtatrabaho sa paghahatid ng mandato nito.