7 miyembro ng NPA, patay matapos maka-engkwentro ng militar sa Northern Samar

Patay ang 7 miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makaengkwentro ng tropa ng militar sa Bobon, Northern Samar.

Sa ulat mula sa 8th infantry Division ng Philippine Army, naganap ang engkwentro kahapon kung saan aabot umano sa 40 rebelde ang nakasagupa ng 803rd Brigade na galing sa Sub-Regional Guerilla Unit at Front Committee 2 ng Eastern Visayas Regional Party Committee na pinamumunuan ni Mario Sevillano alias “Durok.”

Sa dami ng mga kalaban, kinailangan pa ng close air at artillery support ng militar dahil puno ng armas ang pinagkukutaan ng mga rebelde at napapalibutan din ng mga pampasabog.


Matapos ang bakbakan, 7 katawan ang narekober ng militar na hindi pa alam ang pagkakakilanlan.

Samut saring mga armas din ang kanilang narekober kasama na ang R4 rifle, dalawang M16 rifles, AK47 rifle at mga anti-personnel mine.

Facebook Comments