Umabot sa P16-M ang naipamahagi sa 1,113 na indibidwal na benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant (LAG) nitong ika-27 ng Setyembre 2022.
Pinangunahan ng Department of social Welfare and Development RO2 sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ang nasabing pamamahagi na ginanap sa lalawigan ng Quirino.
Ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan.
Layunin ng nasabing programa na magsilbing tugon para sa pamilya na nanganganib mawalan o tuluyang mawalan ng kabuhayan o pagkakakitaan dulot ng pandemya.
Katuwang sa pamamahagi ay ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Dakila Cua at mga lokal na pamahalaan ng Aglipay, Cabarroguis, Diffun, Maddela, Nagtipunan at Saguday, Quirino.
Facebook Comments