P20,000 HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA ISINAGAWANG BUY-BUST OPERATION

35
Arestado ang dalawang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation sa Tuguegarao City, gabi ng September 27, 2022.

Kinilala ang mga suspek na sina Machiavelli Navarro, 52-taong gulang, may asawa, residente ng Aguinaldo St.Brgy. 2, Tuguegarao City, Cagayan; at Christine Pua, 37-taong gulang, walang asawa, at residente ng Caritan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation ang mga operatiba sa Panacal Village, Zone 7, Brgy. Tanza, Tuguegarao City, Cagayan, na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek na nakalista bilang High Value Individual.

Naaresto umano ang mga suspek matapos magbenta ang mga ito ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isa sa mga operatiba na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nakumpiska mula sa pangangalaga ng mga suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P20,000, dalawang cellphone, at P1,000 na buy-bust money.

Nasa kustodiya na ngayon ng Tuguegarao City Police Station ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.



Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs of 2002.

Facebook Comments