Cebu, Philippines – Naipadala na ng Department of Social Welfare and Development sa Central Visayas ang 6,600 na mga family food packs para sa mga residente na apektado ng krisis sa Marawi City.
Inaasahang darating na mamayang hapon sa Iligan City ang mga food packs upang maipamahagi sa mga residente na lumikas sa kanilang mga bahay dahil sa nagpapatuloy na operasyon ng military laban sa Maute group .
Ayun sa Information Officer ng DSWD-7 Leah Quintana mamayang gabi naman ay ibabiyahe na rin ang karagdagang 3,400 na mga family food packs para makompleto ang nirequest na kabuoang 10,000 na food packs mulasa Visayas Disaster Response Center ng ahensiya.
DZXL558, *Khen Galinea*
Facebook Comments