Walong sachet ng suspected shabu nasabat ng PDEA at Capiz PNP sa isinagawang drug buy bust operation

96

Roxas City, Philippines – Nasa walong sachet ng suspected shabu ang nasabat ng mga kasapi Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Provincial Drug Enforcement Unit ng Capiz PNP sa mga kamay ng isang lalake sa isinagawang Drug Buy Bust Operation sa San Roque Street, Roxas City.

Kinilala ang subject person na si Rex Billones y Arroyo, 38 anyos, residente ng lungsod ng Roxas. Nakuha rin ng mga operatiba ang isang cellphone, 500 pesos na marked money at iba pang drug paraphernalia.


Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspek.
Si Billones ay kasama sa high value target list ng Philippine National Police.

DZXL558, *Jessie Llegue Mendoza*

Facebook Comments