DSWD-9, humingi ng pang-unawa sa mga benepisyaryo ng 4Ps

Zamboanga del Sur – Humingi ng pang-unawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD-9) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program dahil sa pagkaantala ng kanilang financial assistance.

Sa interview ng RMN kay 4Ps Regional Coordinator Evangeline Pocquita mahigit sa walong pung libo na benepisyaryo sa lalawigan ng Zamboanga del Sur ang hindi pa nakatangap ng financial assistance dahil umano sa kinakaharap na problema ng Landbank.

Pero nilinaw ni Pocquita na sa linggong ito may mga payout schedule na sa ilang lugar ng lalawigan.


“Tuloy na talaga, starting this week may schedule na tayo sa payout” pahayag ni Pocquita.

Facebook Comments