Lalaki, pinagbabaril ng riding in tandem sa loob ng kaniyang bahay sa Quezon City

Quezon City – Patuloy na ginagamot sa ospital ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa loob ng kaniyang bahay sa barangay Salvacion, Quezon City.

Ayon kay Supt. Robert Sales, ng QCPD station 1, huminto ang mga suspek sa harap ng isang bahay saka inasinta ang biktimang si Wilfredo Cua na noo’y nagpapahinga sa loob ng bahay.

Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.


Tinitingnan ng mga pulis kung may kaugnayan sa iligal na droga ang krimen dahil dati umanong gumagamit ito ng droga.

Hinihintay ng mga pulis na bumuti ang kalagayan ni Cua bago siya tanungin kung may mga pinaghihinalaan siyang nasa likod ng tangka sa kaniyang buhay.

Facebook Comments