DSWD, all set na sa pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Rosal

Sinisiguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakarating agad ang tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Rosal.

Sa pahayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, nakahanda na ang kanilang tanggapan para tumulong sa mga Local Government Units (LGUs) sakaling kulangin sila ng tauhan.

Inatasan ni Sec. Tulfo ang lahat ng mga Field Offices ng DSWD na manatiling naka-monitor sa lagay ng panahon kahit pa papalayo na ang bagyo.


Kanselado pa rin ang day-off ng ibang tauhan ng DSWD partikular sa mga lugar na maaapektuhan o naapektuhan ng bagyo base na rin sa kautusan ng kalihim.

Naglaan na rin ng pondo ang DSWD na inilipat na sa Central Office at Field Office gayundin sa National Resource Operations Center (NROC) na nasa ₱1.4 billion ang halaga habang ipapadala na rin ang nasa 547,000 na family food packs sa mga naapektuhang LGUs.

Nanawagan pa rin ang DSWD sa publiko na maging handa anumang oras at sundin ang mga utos ng lokal na pahalaan para sa kanilang kaligtasan kung saan nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga field offices para malaman ang sitwasyon at kalagayan ng bawat isa.

Facebook Comments